Sunday, January 9, 2011

Negamind

mumulat sa isang umaga
upang hangarin na ipikit muli ang mga mata
pipikit ngunit hindi mananaginip
isang mahabang kadiliman na walang laman

isang hiwa ng nakakasilaw na mga pananalita ng daloy ng tadhana
ang pilit na magbubukas ng mga matang nasanay sa pagpikit

lahat ay bumabangon at lumilikha
ngunit hindi lahat ay nakakakita
lahat ay may tinatahak na landas
ngunit hindi lahat ay nakakalagpas

buong araw ay umaambon ng mga pumipili at pinagpipilian
ngunit ako'y nakapayong at sila'y aking pinagmamasdan
sila'y mulat at patuloy sa pagbagsak.


10-10-10

No comments:

Post a Comment