Hindi na naiparating
ng isang paos na tadhana
ang mga salitang binigkas
na para sa iyo lamang
Daldalan ng mga dahon
at pagsasayaw ng mga tangkay
ang nangibabaw
sa araw na lumipas
Ang bibig na nagsambit ng pagsisisi
ay ang bibig na hindi magamit
sa pag-ngiti
lumilipas at hindi na makapiglas.
12-3-11
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment