Puno ng kalungkutan
ang mga piling halakhak
na iyong pinaririnig
Isang pagod na maskara
na araw-araw
ay di natitinag sa pagngiti
Hindi ka ba naliliyo
sa mataas na ulap
na iyong tinitirahan?
Huwag ka sanang matakot
sumakay sa ulan
paminsan-minsan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment