Tuesday, March 11, 2014

Distansiya

Maraming bagay ang hindi naiintindihan
sa bawat buntong-hiningang pumapagitan
sa malaking ispasyong hindi lumilisan
sa mga titig na tila may patutunguhan

Pinipigilan ang mga kamay
na hawiin ang distansiya
gamit ang mga salitang nilisan na ng mga letra

No comments:

Post a Comment