Friday, December 12, 2014

Engkanto

Natapakang mga rosas ng mga talampakang
hindi alam kung saan dadaan
kakaliwa o kakanan
hindi niya alam kung saan ang hangganan

Sinusundan ang halimuyak ng babaeng
walang pakundangan sa pagpitas ng mga rosas
Pinaglalaruan ang kaniyang pang-amoy
na tila engkantong hindi mapakali sa kaniyang mga pakana

Hindi titigil ang paglalakad sa kawalan
Patuloy ang pagsisiping ng mga rosas at talampakan

No comments:

Post a Comment