Tuesday, February 17, 2015

Pagod

Hanggang kailan magpapatangay
sa kumpas ng iyong mga kamay?

Hanggang kailan magpapadala sa
alon sa iyong mga mata?

Tila dinadapuan na ng kapaguran
habang ako'y
nakatingin sa kawalang
pareha nating nilikha

Humihingi ng pabor sa buwan
na ako'y kupkupin
sa kanyang tahanang
malayo sa iyong ulan

No comments:

Post a Comment