Monday, October 5, 2015

Oras

Sinusubukang hulihin ang lahat ng kulay sa mundo
at ilagay sa bulsa
na pinuno ng segundo

Hindi malaman kung ano ang uunahin
Hindi malaman kung ano ang gagawin

Sinusubukang maglakad habang sila'y lumilipad
Kanya-kanyang talon at lundag
Kanya-kayang laro at bitag

Hindi mapakali
Hindi matahimik

Maari bang mawala muna ang konsepto ng oras,
kahit isang saglit?

No comments:

Post a Comment