Wednesday, December 9, 2015

Binibini

Hinehele ng pagmumura
at walang katapusang pagluha

Kabadong usok
mula sa maliliit na bintana
ng mga parihabang bangungot
sa dampa ng mga alaala

Pulbo at salamin
ng lalaking walang pag-amin
ikaw ay paiibigin
ng mga halik sa hangin

Natataranta sa pag-aya
ng binibining dapat ay lumilipas na.

No comments:

Post a Comment