Monday, May 2, 2016

Patak

Nagsimula bilang isang patak ng ulan
Dumampi sa balat at hindi masyadong naramdaman
Unti-unting dumarami, kumikiliti
Nagpapansin hanggang naging isang tag-ulan

Sumingaw ang init ng lupang kinantiyawan

At nagpatuloy ang pagbuhos
Hindi namamalayang ikaw ay nagdudulot na ng unos
Unti-unting nalulunod
Ang katawan dinala na ng agos

No comments:

Post a Comment