Tuesday, July 17, 2012

Bulong

Iimbitahan kita sa isang sikretong mundo
na tayong dalawa lang ang makakaalam

Dadayuhin ng mga mahihinang tawanan
at mga kantang di pangkaraniwan

Sisilip ang ulan at siya'y luluha ng ilan
Ngunit tayo'y hindi sisilong
at ito'y ating di pakikialaman.

Tayo'y lumulutang
sa bulong ng mga pangkaraniwan.
Ito'y tila agos na sinusundan ng karamihan.

Kung tayo ba ay sisigaw,
tayo ba ay maririnig ng malinaw?

07-17-12


No comments:

Post a Comment