Tuesday, July 17, 2012

Ilusyon

Ako'y kakalat
at ang mga piraso ko
ang pupuwing sa'yo

Ikaw ay unti-unting mabubulag
at susunod sa amoy
ng aking mga pangako

Ikaw ay mahahalina
at ang mga salita ko
ang magiging tangi mong bisyo

Makakatulog ka na hindi pagtulog ang nasa isipan
Kung hindi ang isang imahe
ng ilusyon na akala mo ay hindi lilisan.

07-17-12

No comments:

Post a Comment