Tuesday, June 16, 2015

Eroplano

Isang eroplanong papel
ang pinalilipad ng mga daliring hindi mapakali
Paikot-ikot sa isang direksyong
tanging hangin lamang ang makakapagsabi

Pikit-matang sumusunod sa ihip
kahit na alam niyang
ang kaniyang pagbagsak
ay hindi mo ihihingi ng paumanhin

No comments:

Post a Comment