Wednesday, July 22, 2015

Hulyo Bente Uno

Tumatawid ang mga ilaw sa kalsada
nakikipagsayaw sa usok at alikabok
habang hindi inaalintana ang mga sasakyang
maaaring humagip sa kanila

Mga nagkikislapang bulaklak
na umusbong mula sa laman
Mga walang malay na aninong
pinaglalaruan ng mga kamay
at mga kukong nilipasan
ng kulay at palaisipan

Ang mga nakataling paang hindi na makakatakas pa
Ang pag-iyak na naubusan na ng mga luha

No comments:

Post a Comment