Tinutuklap ang sakit
mula sa balat
na ninakawan
Hinahampas ng alon
ang mga butong
naging tirahan ng kalungkutan
Sinasapo ng mga buhangin
ang katawang
napagod makipaglaban
Kahit ang karagatan
ay hindi sapat
sa uhaw ng aking katawan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment