Panaginip ang matulog nang mahimbing
Pumikit ngunit ang paghinga'y tumutulin
Ang kalampag sa labas
Ang yabag ng mga sapatos
na uhaw sa dugong aagos
Ikubli ang mga katawan
Kinukumutan ng kadiliman
hangga't ang mga yabag ay lumisan
Pumikit hanggang ang paghinga'y di na matulin
Managinip at matulog nang mahimbing
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment